Admin Admin

Joined : 22 Feb 2008 Posts : 36
| Subject: Nakakahiya bang umiyak....dahil lalaki ka??? Sun Mar 09, 2008 7:54 pm | |
| ano sa tingin ninyo.... mga papa dyan......???? Ako ok lang....emotional ako e..... pag umiiyak ako.... gusto ko... nag da drive ako..... para feel na feel ko... sabay lalagyan ko ng mga rock song na todo ang volume........ ke sehodang harangin ako ng MMDA o hagad..... baka sagasaan ko pa sila.... hehehehe Mr.ems +++ KAyo ano opinyon ninyo...?+++ |
|
B_a_l_l_z Admin

Joined : 29 Feb 2008 Posts : 7
| Subject: Re: Nakakahiya bang umiyak....dahil lalaki ka??? Mon Mar 10, 2008 12:03 pm | |
| Hindi sana ako magre-reply dito sa topic na'to kung kasali mga girls...dyahe kase..pero sa totoo lang..iyakin din ako..makapanood lang ako ng MAALAALA MO KAYA..naiiyak na ako ..pero di ko pinapahalata..pag medyo tutulo na kunwari may kakalikutin ako mas naiiyak ako pag may nakikita ako mga kababayan natin naghihirap at pinagsasamantalahan..minsan naman pag nag-iisa ako nami-miss ko mga mahal ko sa buhay..di kase maiwasan...pero alam nyo ayon sa mga matatanda..mas maganda daw pag lalake ang umiiyak...kase meron daw silang maganda at mabusilak na PUSO..buti na lang kami Ems..iyakin..
mga BOYZ dyan.... i-share nyo din yung luha nyo..pag-naging muta yan mas pangit tingnan !!!
Ballz  |
|
floreswb
Joined : 10 Mar 2008 Posts : 6
| Subject: Re: Nakakahiya bang umiyak....dahil lalaki ka??? Mon Mar 10, 2008 7:46 pm | |
| PRE PAREHO LANG TAU, PERO AKO DI KO TINATAGO, EH ANO KUNG IYAKIN, IBIG NGANG SABIHIN MAY MABABA TAYONG PUSO NA MARUNONG UMINTINDI SA KAPWA NATIN, MARUNONG TAYONG MAGMAHAL AT MAGBIGAY,
KAYO MAGLABAS NA RIN KAYO MGA BROD!! |
|
bencubes429
Joined : 09 Mar 2008 Posts : 3
| Subject: Re: Nakakahiya bang umiyak....dahil lalaki ka??? Thu Mar 13, 2008 5:45 am | |
| mga katoto, di naman masama umiyak , di naman komo macho ka eh di ka iyakin, meron mga oras na kailangan mong umiyak kaya dapat ilabas mo imbes na sikilin, sabi nga ng doktor ko, huwag mo pipigilin yan bagkus makakatulong pa yan sa kalusugan kasi nailalabas mo yung sama ng loob kaya gagaan pakiramdam mo, kapag pinigilan mo yan lalong magkakasakit ka or baka mas malala pa kung me iba ka pang karamdaman, kaya mga tsong magiyakan na tayo, huhuhu , joke lang ha...cheers..  |
|
---dykyle---

Age : 29 Joined : 01 Mar 2008 Posts : 23 Location : Toronto, Canada
| Subject: Re: Nakakahiya bang umiyak....dahil lalaki ka??? Wed Mar 26, 2008 11:44 am | |
| off limits ba magcomment ang girlz d2?kasi curious lang ako..kung hndi nkakahiyang umiyak ang lalake totoo bang pag iniyakan nyo ang babae e mahal nyo talaga??? |
|
jjjerz22
Joined : 27 Mar 2008 Posts : 5
| Subject: Re: Nakakahiya bang umiyak....dahil lalaki ka??? Fri Mar 28, 2008 12:35 am | |
| dykyle,naligaw ka yata,tanong mo sa asawa mo,o dkya nmn sa bf mo,kung wala pa din sa akin na lng,ilan na ba ang iniyakan ko, mapasagot ko lng hehehe joke lng!!! bkit c franklin drilon kalaking tao naiyak din  |
|