hi mizteriouz girl,
lam mo you’re still young kaya wag ka mainip. Lahat naman ata tau dumadating sa ganyang stage yung maraming tanong sa sarili na hindi naman nating kayang sagutin o baka naman tlgang walang sagot. As I’ve always believed, God has greater plans for us. May plano siya para sau at masasagot mo na din ang mga tanong na yan sa sarili. In short matututunan mong alamin at tanggapin ang sagot sa mga tanong mo sa tamang panahon. Wala kasing tamang sagot sa mga questions mo eh.
I’ll answer some of your questions na naitanong ko na rin sa sarili ko noon. Lam ko magulo ang sinsabi ko at hndi sya mdaling intindihin , lahat tau may mga hirap at katanungan na kinakaharap. That’s life eh, wlang madaling life, kung lahat madali sa buhay wala nang magdadasal para magpasalamat or humingi ng tulong dahil hindi nakakaranas ng sufferings db? Ang isasagot ko sau ay ung pananaw ko sa kasagutan ng tanong ko na may similarity rin sa questions mo.
1. pero minsan kpg may nakikita ako mga lovers dyan naiisip ko kelan kaya ako magkakaroon ng magmamahal sa akin at mamahalin ko???
Hindi ko sasabihing desperado ka, naiinggit ka lang kc un ang nakikita mo sa environment mo. Wag ka mappressure sa mga nkikita mo, hindi necessary na magkaBF ka para malaman mong may nagmamahal sau eh. Maraming tao ang nagmamahal sa’yo siguro hindi mo lang napapansin. Baka naman masyado ka lang naooverwhelm sa idea of being in-love. Dadating din yan pero dapat handa ka. Sa relationship may love, happiness and of course PAIN. Kaya mo bang tanggapin ang sakit pagdumating na ang love na hinihintay mo? Kaya mo bang tanggapin sa sarili mo kung sino ang ibibigay sau? Matatanggap mo ba siya ng buo at hindi mo siya kailangang baguhin dhil hindi siya perfect sa tingin mo? Matatanggap mo ba ulit kapag nasaktan ka niya ng isang, dalawang beses or mas marami pa? Kung hindi mo pa kaya, ibig sabihin hindi pa panahon para makilala mo na siya at Kapag kaya mo na, darating siya ng hindi mo namamalayan.
2. laging nagtatanong na kelan ko nmn mararamdaman na may nagmamahal sa akin... masama ba mangarap ng sobra???
Hindi masama ang mangarap at hindi rin sobra ang mangarap na may magmahal sau. Gaya nga ng sinulat ko kanina sa itaas, maraming nagmamahal sau, impossibleng wala. Baka hindi mo lang sila napapansin. Maaring katabi mo na pala siya hindi mo lang alam kasi ayaw mong tanggapin sa sarili mo na maaring siya na nga. Marami kc taung sineset na standards para sa ating IDEAL man. Pero ang totoo pag nainlove ka na lahat ng standards natutunaw na lang biglang nawala. Tapos lahat ng gusto mo, malalaman mo na hindi mo makikita sa isang tao lang, kasi walang taong perpekto, or even almost perfect. Pagdumating siya at mahal mo talaga you’ll accept him just as he is. Don’t hesitate to entertain someone kasi wala siya ng isa sa category mo, malay mo mas higit pa pala siya sa naiisip mo, hindi mo lang alam kasi hindi mo siya binibigyan ng chance ipakita un sau db?
3. masama ba ako??? kaya ayaw iigay sa akin ni Lord ang pangarap ko??? kelan ko kaya matatagpuan si Mr. Right??? paano kaya???
Hindi ka masama, natural lang ang humiling sa kanya ng gusto mo. Pero ang ibibigay niya sau ay hindi ang gusto mo kung hindi yung tama para sau, the one you deserve to have. God gives us what we need, he doesn’t give us what we want because not all we want is good for us. Not all we want can make us happy, not all we want is enough. If God gives us what we want, there will be no contentment kc manghihingi pa tau ng mas gusto pa natin. Most of the times ung gusto natin ang nagccause ng confusion and hurtings sa atin. Because not all we want is right. God will give us what we deserve to have, who knows maybe what we deserve is better than what we want right? There's no such thing as Mr. or Ms. Right, if you're in the relationship, you'll make each other right for you to make a right and happy relationship. That's reality it bites talaga.
Sana medyo naintindihan mo ung sinulat ko at sana may napulot kang konti sa kasagutang binigay ko. Smile live life filled with happiness, nakakatanda ang masyadong nagiisip kaya maglaylo ka sa pagiging palaisip. Nakakaloka din yan!!! joke
Best regards,
mspooh