Arreas, candles, veil and cord elements of the traditional pinoy weddings.
Yung mga daliri ng groom ay naipit niya sa cage kung saan nakalagay yung mga coins. Hindi napapansin nung mga tao hanggang sa tumahimik yung pari at nagtanong kung merong may Vaseline. Isa sa mga lolos sa harapan na hard of hearing ay bigla na lang sumigaw.
"Bakit honeymoon na ba?"
Another wedding na friend ko ang guest: Ang tahimik nung nagsimula ang candle lighting ceremony kasi nagpapalit ng cd sa sound system. Medyo natagalan so bigla na lang nadinig ang sweet 3yr old voice ng ring bearer. "Happy Birthday to you......."
Isa namang kasal na inattendan ko nagulat na lang kami nung pinagpapalo ng maid of honor yung bride ng ring pillow. Nahagip pala ng veil ang candle at masusunog na ang bride.
Yung Tita ko naman na 5ft lang ay kinuhang maglagay ng cord sa groom. Ang problema ay outdoor wedding hindi nakaluhod ang bride and groom. Lagpas 6ft pa naman ang groom. So ni-lasso na lang ng Tiya ko. At 1st try nahuli niya ka-agad yung pari. (Si Father na lang ang naglagay ng cord sa groom).