pag hinakbangan mo ang isang bata, hindi siya tatangkad.
pag naglaro ka sa gabi, makakatapak ka ng mga hindi nakikita. Magkakaroon ka ng kuliti
pag namboso ka o sumilip s taong naliligo.
Pag nagmura ka, mabubulok ang bibig mo.
***
and my all-time favorite: Pag lumabas ka ng bahay, huhulihin ka ng mamang may sako, ki- kidnapin ka, tapos yung dugo mo gagawing pampatigas ng mag ginagawang tulay.
*** Here's one more... Don't play during Good Friday... Pag nasugatan ka, 'di na s'ya gagaling. Kasi patay daw ang Diyos.
Mahirap pa nyan kung may lumabas sa sugat mo na kanin, mamang may sako, o mamang nakasakay sa camel. Hahaha!
***Takipan ng kumot ang salamin kapag kumikidlat.
iwan ko kung bakit, basta yun ang sabi ng nanay ko.
***matulog tuwing hapon.... kundi ay di ka na tatangkad.... matulog ng maaga kundi ay did ka bibigyan ni santa ng regalo sa pasko
***Wag mag-swimming sa beach pag black saturday kasi malulunod ka. Pag Good friday - maswerte. Pag natulog kang basa ang buhok mo, mabubulag ka. Wag maligo ang girl pag merong period kasi magkakasakit - eeewww... Wag titingin sa pangit pag buntis...baka yun ang magiging kamukha ng baby Pag wiwi sa labas at night magsabi ng "tabi-tabi po" Pag night driving and dadaan sa bridge, bumusina para alam ng mga multo (Napag hahalata yung age ko ah)
***wag magwawalis pag gabi hihirap ka daw hehe kasi pinapalabas mo yung swerte heheheh wag maggugupit ng kuko sa gabi kasi masusugatan ka (siguro totoo pag walang ilaw)
***Tumalon ka tuwing 12 Midnight ng Bagong Taon para tumangkad ka. Kapag ang lalaki ay supot, mutain ang magiging anak. Dahil balbon si Inday, Pinaglihi yan sa balot! hehehe Kung naulan sa kasikatan ng araw...may kinakasal daw na TIKBALANG!
o ayan ha..... nakaka tawa tayong mga pinoy diba... pero totoong nangyayari naman yan.....
Mr.ems
Admin